Archive for February, 2006

Dole Out System

Tuesday, February 7th, 2006

“We do not need more speeches about fighting poverty, moving forward the Filipino, or faith in the Filipino! Teach the Filipino and he will fight poverty himself. Show him the way and he will move forward on his own two feet. Give him the opportunity to solve his own problems, and he will learn to have faith in himself.” (Max Soliven “By the Way”, Manila Times)

Dole out system. Hindi pwede yan… (Tignan mo nalang ang nangyari sa Ultra) Kung ang tao mismo ay tamad, kahit ano pang i-spoonfeed mo sa kanya, hindi makakaahon yan. Maaaring panandaliang kasayahan. Pantawid gutom. Pero sa banding huli, ni isang yapak wala yang nagawa para sa ikabubuti niya.

Pasensya.. nanggagalaiti lang ako sa isang pasyente ko.. ilang beses ko nang naisipang pagsabihan siya na isa siyang parasitikong makapal ang mukha.. Hindi na kasi siya naawa sa pamilya niya. Alam ko di ko pwede sabihin yun. Hindi naman kasi talaga ako ganun. Pero minsan kasi, pag napupuno na ako, gusto ko nalang ilabas. To hell with the consequences, kumbaga. Edi, dito ko nalang ilalabas. Wala naman yata siyang computer sa bahay niya e..