Archive for September, 2006

retake

Friday, September 29th, 2006

Bat ayaw nyo pa kasi mag retake?

Yun lang ang solusyon.

Pababayaan nyo nalang bang mabulok ang lisensya nyo sa PRC?

Oo, idealismo ang pinapairal ninyo. Oo, biktima kayo ng mga buwayang opisyales ng gobyerno. Pero sa realidad ng takbo ng burokrasya at hustisya sa Pilipinas (at alam nyo naman kung gaano kabulok ito), baka umabot pa hanggang sa pagdating ni Hesukristo bago nyo makuha ang inaasam-asam ninyong lisensya.

Tahan na. Masyado na kayong maingay. Ang trapik na sa Morayta. Na-wa-wa-poise na kayo. Ang puputi pa naman ng uniporme ninyo…

Masarap mag welga. Lalo na kung may patutunguhan ang pag we welga. Pero sa panahong ito, mas mainam nalang na mag-aral kayo.

Diba matatalino naman kayo? Di naman kayo tsumamba diba? Bat kayo natatakot?

Kung tungkol sa pera, sagot naman ng gobyerno ang pambayad nyo sa review at retake.

Para mapatunayan din ninyo na karapat-dapat din kayo pumasa,na kahit paulit-ulit nyo pa i-retake, papasa parin kayo. Dahil matatalino kayo.

Normal lang na umiyak o magalit. Tao lang. Pero walang patutunguhan yan kung patuloy ang pag iinarte. 

Kaya pwede ba, umuwi na kayo at mag-aral. Dahil madaming pasyente ang naghihintay sa inyo…

*the author writing at the height of exasperation